Nagdala ng bagong pag-asa ang Ako Bicol PartyList katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng tulong kabuhayan para sa mga kababayan sa Camarines Sur.
228 na benepisyaryo mula sa Del Gallego, Camarines Sur ang dumalo sa orientation ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) nitong Mayo 10, 2023.
Mas pinalawak pa ng Ako Bicol ang mga programang makatulong sa hanapbuhay ng bawat Bicolano.