Walang patid ang tulong na dala ng Ako Bicol PartyList sa mga Kasurog sa bayan ng Camalig.
Katuwang ng Ako Bicol ang Department of Labor and Employment (DOLE), umabot sa higit 600 na benepisyaryo ang sumailalim sa orientation ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD), nitong Mayo 10, 2023.
Personal na dinaluhan ni Camalig Mayor Caloy Baldo ang nasabing aktibidad.
Hindi magsasawa ang Ako Bicol Party List sa pag-agapay sa mga pangangailangan ng bawat pamilyang Bicolano