Nagkaroon ng pagpupulong nitong Mayo 10, 2023, sa munisipyo ng Camalig ang Ako Bicol PartyList, LGU Camalig sa pangunguna ni Camalig Mayor Caloy Baldo, Tanchuling General Hospital at Provincial Health Office – Albay (PHO) para sa Ako Bicol – Tarabangan Caravan – Medical Mission sa darating na Mayo 26, 2023.
Inaasahang 500 residente sa bayan ng Camalig ang makakatanggap ng libreng konsulta kabilang ang dental, optical at medical checkups. Mayroon ding x-ray, blood chem at Electrocardiogram (ECG).
Ang medical mission na hatid ng Ako Bicol PartyList ay layong makatulong sa mga kababayang kapos at hirap makapunta sa mga ospital.