534 na benepisyaryo mula sa 26 na barangay sa Labo, Camarines Norte ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Ako Bicol PartyList katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Isinagawa ang payout nitong Mayo 10, 2023 sa Labo Sports Complex na personal na dinaluhan ni Camarines Norte Vice Governor Joseph Ascutia at Labo Mayor Severino Francisco.
Bahagi ito ng mas pinalawak na programa ng Ako Bicol na naglalayong tulungan ang bawat pamilyang Bicolanong nangangailangan.