Nagbigay ng tulong pinansyal ang Ako Bicol PartyList sa mga kababayan natin sa Camarines Norte.
Nitong Mayo 8, 2023, kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay naglunsad ng pamamahagi ng cash assistance sa 844 na benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ginanap ang payout sa Agro Sports Center, Daet na personal na dinaluhan ni Camarines Norte Governor Dong Padilla.
Patunay lamang ito na patuloy na nagsisilbi at naglilingkod ang Ako Bicol Partylist para tulungang mapunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Bicolano.