Trabaho ang hatid ng Ako Bicol Party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kababayang Daragueño, nitong Mayo 9, 2023 na ginanap sa Daraga Covered Court.
Higit sa 700 na benepisyaryo mula sa pitong barangay sa Munisipalidad ng Daraga ang sumailalim sa orientation ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Asahan pong tuloy-tuloy ang pagseserbisyo at pagtulong ng Ako Bicol Party-list sa bawat Bicolanong lubos na nangangailangan.