TATLONG SOLAR POWERED WATER SUPPLY SYSTEM LEVEL II NG AKO BICOL PARTY-LIST MATAGUMPAY NA PINASINAYAAN

Meron na pong mapagkukunan ng malinis na tubig ang mga residente ng Brgy. Cagbacong at Brgy. Banquerohan sa Legazpi City, Albay matapos po natin ipagkalaoob sa kanila ang tatlong Solar Powered Water Supply System Level II.

Unang po nating pinasinayaan ang Solar Powered Water System sa Purok 4, Cagbacong at sunod naman po ay ang Purok 1 at Sitio Misua, Banquerohan.

Dumalo po sa naging aktibidad natin si Ako Bicol Executive Director Atty. Alfredo A. Garbin, Jr., brgy. councils, ilang staff ng Department of Public Works and High Ways (DPWH) na naging katuwang po natin sa proyektong ito na maisakatuparan.

Ang proyektong ito ay galing sa inisyatibo at kaisipan ni Congressman Zaldy Co na may layunin na magkaroon ang lahat ng barangay sa rehiyong Bicol ng may maayos na pagkukunan ng malinis tubig ang ating mga kababayan ng sa gayon ay hindi na sila mahirapan pa.

#AkoBicolPartyList

#KatabangNaKasurogPa

#LevelIISolarPoweredWaterSupplySystem

#Cagbacong

#Banquerohan

#Albay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s