Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman Jil Bongalon ang distribusyon ng mga sabon at healthcare supplies sa 213 estudyante ng Rawis Elementary School at 255 naman para sa mga estudyante ng San Miguel Elementary school, nitong Abril 19, 2023.
Katuwang ng Ako Bicol sa pamamahagi ng sabon ang Children International Philippines Inc. at maliban sa mga sabon ay nakatanggap rin ng tinapay mula sa Gardenia Bakeries Philippines Inc. ang mga estudyante ng dalawang paaralan.