Mahigit sa 800 pinakabagong benepisyaryo ang sumailalim sa orientation ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating mga Displaced/Disadvantaged Workers Program (TUPAD) ng Ako Bicol Party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Abril 24, 2023, sa Agro Sports Complex, sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ito ay bahagi ang programang Tabang Sa Kabuhayan ng Ako Bicol Party-list na naglalayong makatulong at makapagbigay oportunidad na makapagtrabaho ang ating mga kababayan.