Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman Jil Bongalon ang pamamahagi ng mga sabon at hygiene kits sa mga mag-aaral kasama si Juban Mayor Gloria Alindogan at MunicIpal Councilor Atty. Gershon Fulleros Cariño.
Ang mga paaralang kabilang sa nahandugan ng hygiene kits: Jose E. Alindogan Elementary School; Embarcadero Elementary School; at Tampi Elementary School.
Katuwang ng Ako Bicol sa pamamahagi ang Children International Philippines Inc. at ang Gardenia Bakeries Philippines Inc. kung saan nagbigay ng mga tinapay sa mga estudyante.
Hangad ng Ako Bicol Party-List na makapag-abot ng tulong sa mga mag-aaral sa Bicol Region.