MANITO, ALBAY | AKO BICOL TARABANGAN CARAVAN “MEDICAL AND DENTAL MISSION”

Aabot sa halos 600 kababayan na kinabibilangan ng mga bata at matanda sa iba’t ibang barangay sa Munisipalidad ng Manito, Albay ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa ilalim ng Ako Bicol – Tarabangan Caravan “Medical and Dental Mission”, with Free Massage, Haircut and Local Recruitment Activity na ginanap sa People Centrum, Manito, Albay nitong Marso 24, 2023.

Pinangunahan ang programa nina Ako Bicol Congressman Zaldy Co, Congressman Jil Bongalon kasama sina Ako Bicol Executive Director Atty. Alfredo Garbin, Jr. at Christopher Co.

Handog ito ng Ako Bicol Party-list sa mga kababayan para sa libreng access sa medical at welfare services.

Maliban sa libreng konsulta, mayroon ding libreng masahe, gupit at local recruitment activity para sa mga kababayan natin sa Manito na naghahanap ng trabaho.

Dumalo rin sa naturang aktibidad si Albay Governor Grex Lagman, Manito Mayor Rebecca Dayap-Chen at iba pang opisyal ng gobyerno.

Nagpapasalamat ang Ako Bicol Party-list sa lahat ng partners na nakiisa at naging bahagi ng Tarabangan Caravan.

#AkoBicolPartyList

#KatabangNaKasurogPa

#TarabanganCaravan

#MedicalandDentalMission

#ManitoAlbay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s