Pinangunahan nina Ako Bicol Congressman Zaldy Co, Congressman Jil Bongalon, Ako Bicol Executive Director Atty. Alfredo Garbin, Jr. kasama ang mga local chief executives ang opening ceremony.
Sinimulan ang event sa pamamagitan ng performance ng ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โ๐๐๐ ๐ต๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ก๐, na sinundan ng pagparada ng 36 na teams na kumakatawan sa mga bayan at siyudad ng Camarines Sur, at may libreng sapatos at jersey pa na handog ni Cong. Zaldy at ng Ako Bicol.
Ang tinaguriang ‘Pinoy Sakuragi’ na si Marc Pingris ang nanguna sa ating ceremonial torch run at nag-iwan din ng inspirational message para sa mga players.
Inabangan din ang sing and dance performance ng aktres na si Chie Filomeno
Ito na ang pangalawang season ng basketball tournament ng Ako Bicol na inilunsad sa Albay noong Nobyembre ng nakaraang taon sa inisyatibo ni Cong. Zaldy Co.