Nagkaroon ng makabuluhang pulong nitong Marso 3, 2023, sa siyudad ng Tabaco ang Ako Bicol Party-list at Children International Philippines Inc. na pinangunahan ni Ako Bicol Cong. Jil Bongalon
Napag-usapan sa pagpupulong ang mga programa ng Ako Bicol Party-list na makakatulong sa ating mga kababayan at ang mga dagdag na wheelchairs na ibabahagi ng Children International sa mga Persons with Disabilities (PWDs) at mga Senior Citizen sa ilalim ng Free Wheelchair Mission.
Kasabay ng dagdag na wheelchairs ay patuloy din ang pamamahagi ng mga sabon at iba pang hygiene kits na maaaring magamit ng ating mga kababayan lalo na ang mga bata.