Muling nagsagawa ng Geo-Resistivity Survey ang Ako Bicol Party-list, nitong Marso 9, 2023 sa ilang barangay at munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Norte.
Limang barangay ang tinungo ng Ako Bicol para sa mga itatayong Ako Bicol Solar-Powered Water Supply System.
Kabilang na rito ang: Pambuhan, Mercedes; Masalong Salong, Mercedes; Zone 2, Brgy. Awitan, Daet; Zone 7, Brgy. Dogongan, Daet; at Mancruz, Daet
Ang proyektong Solar-Powered Water Supply System ay hatid ni Ako Bicol Party-List Congressman Zaldy Co para sa pagsusulong ng malinis na supply ng tubig sa bawat Bicolano.