Bumisita sa iba’t ibang barangay sa District 2 ng Camarines Norte nitong Marso 2, 2023 ang Ako Bicol Party-list para sa isinagawang Geo-Resistivity Survey para sa mga ipapatayong Solar-Powered Water Supply System.
Matapos isagawa ang survey ay nagkaroon ng pagpupulong sa pangunguna ni Camarines Norte Governor Ricarte Padilla na kung saan tinalakay ang mga itatayong proyekto sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Ang Solar-Powered Water Supply System ay proyekto ng Ako Bicol at ni Cong. Zaldy Co na layong makapaghatid ng malinis at libreng patubig sa bawat komunidad sa Bicol Region.