Pinangunahan ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co ang Blessing at Inauguration, na siya rin ang nag-inisyatibo ng proyektong ito katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Ako Bicol Congressman Jil Bongalon, Ako Bicol Executive Director Alfredo A. Garbin, Jr. , Albay 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda, DPWH 2nd District Engineer Warren Azotea, mga miyembro ng barangay council at mga residente.
Hangarin ng proyektong ito na magkaroon ng maayos at sapat na mapagkukunan ng tubig ang mga kababayang lubos na mga nangangailangan.