Layunin ng proyektong ito na matugunan ang kakulangan ng suplay sa tubig ng paaralan at ng komunidad para magkaroon sila ng maayos at malinis na pagkukunan ng tubig.
Dinaluhan ang aktibidad ni Ako Bicol Executive Director Atty. Alfredo A. Garbin, Jr. at Albay 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda, teaching and non-teaching personnel ng paaralan at mga miyembro ng barangay council.
Ang Solar-Powered Water Supply System ay bahagi ng inisyatibo ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co na magkaroon ng libre at malinis na tubig ang bawat komunidad sa Bicol Region.