Ito ay sa pamamagitan ng Libreng Kasalang Bayan na handog ng Ako Bicol para sa magkakaparehas na nais matupad ang kanilang dream na church wedding.
Ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa St. Raphael the Archangel Church sa pangunguna ni Fr. Leandro Murillo.
Mula sa siyudad ng Legazpi ang 29 na magkakapareha, 11 pares naman ay mula sa bayan ng Daraga at siyam sa bayan ng Camalig.
Nagsilbing mga ninong pa sa mga ikinasal sina Ako Bicol Congressman Zaldy Co, Congressman Jil Bongalon at Ako Bicol Executive Director Alfredo A. Garbin, Jr. Dumalo rin sa nasabing kasalan si Albay 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda.
Bilang panimula ng kanilang pagsasama, may handog din ang Ako Bicol na tig-isang sakong bigas at regalo sa mga mag-asawa, at tig-25 kilo ng bigas mula kay Cong. Salceda.
Ito na ang ikalimang Kasalang Bayang isinagawa ng Ako Bicol PartyList.
MABUHAY ANG MGA BAGONG KASAL!