Pinangunahan ng Ako Bicol Party-list at Children International Inc. ang pamamahagi ng hygiene kit at reading glasses sa Pamukid Elementary School, San Fernando, Camarines Sur nitong Pebrero 17, 2023 sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Jil Bongalon kasama ang Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Camarines Sur Chapter, San Fernando Mayor Fermin Mabulo, Philippine Red Cross at Integrated Philippines Association of Optemetrists Inc. (IPAO) Camarines Sur Chapter.
Nakatanggap ang halos 500 na mag-aaral ng hygiene kits at sabon habang 98 residente naman ang nabigyan ng libreng salamin, at may libreng eye check mula sa IPAO.
Maraming salamat sa patuloy na suporta mga Kasurog!