Sumailalim sa orientation ng Ako Bicol Party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga bagong benepisyaryo ng Tulong sa Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula sa barangay Mactan, Malbug, Panan-awan, RM Magbalon at Taberna ng Cawayan, Masbate.
Ginanap ang orientation sa Brgy. Taberna Social Hall nitong Enero 17, 2023 kasama ang ilan sa kawani ng DOLE at LGU Cawayan.
Patuloy ang paghahatid ng Ako Bicol ng mga programang subok nang naghahatid ng tulong sa bawat Bicolano.