Patuloy ang paghahatid ng Ako Bicol Party-list ng tulong at serbisyo katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ating mga kababayang Bicolano.
Nitong Enero 16, 2023, isinagawa sa Barangay, Talisay Covered Court, Sorsogon ang payout sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD).
Ang mga benepisyaryo ay mula sa Munisipalidad ng Juban at siyudad ng Sorsogon.
Bukod dito, nagkaroon din ng payout sa Castilla, Sorsogon para sa 264 na benepisyaryo.