Panibagong Level II Solar-Powered Water Supply System ang pinasinayaan ng Ako Bicol Party-list nitong Enero 14, 2022 sa Barangay Bariis, Legazpi City.
Pinangunahan nina Ako Bicol Congressman Jil Bongalon, at Atty. Alfredo A. Garbin, Jr. at ilang staff ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang aktibidad.
Ito na ang pangalawang Solar Powered Water Supply System sa barangay na handog ng Ako Bicol at ni Congressman Zaldy Co sa bawat Bicolano.