Patuloy sa paghatid ng tulong panghanapbuhay ang Ako Bicol Party-list kasama ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang barangay sa Munisipalidad ng Juban, Sorsogon.
Aabot sa 90 benepisyaryo ang dumalo sa orientation ng Tulong sa Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) nitong Nobyembre 17, 2022, at dinaluhan ito nina Juban Mayor Gloria Alindogan at Municipal Councilor Rey Guab.
Katuwang ng bawat Bicolano ang Ako Bicol Party-list sa pagsusulong ng maunlad na hanapbuhay at kabuhayan.