Personal na inihatid ni Ako Bicol Congressman Raul Angelo Bongalon ang walker para kay Ginang Glenda Renales, 73 taong gulang, na may Bipolar Hip Fracture dahil sa pagkakadulas sa kanilang paliguan.
Ang pagbibigay ng walker ay inisyatibo ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co, upang pagbigyan ang kahilingan na magkaroon ng gamit tulong-panlakad si Lola Glenda.
Una rito, dumulog sa Ako Bicol Party-list ng anak ni Lola Glenda na si Maria Fe A. Renales na taga Purok 1, Barangay 3 Em’s Barrio East, Legazpi City, para sa kanyang inang may kapansanan.
Bakas sa mukha ng mag-ina ang kasiyahan nang tanggapin nila ang walker na bigay ng Ako Bicol Party-list at mga grocery items mula sa Ako Bicol Tabang Ora Mismo.