Guest speaker si Ako Bicol Representative Atty. Raul Angelo ‘Jil’ Bongalon sa Completion Ceremony ng Malawag National High School sa Nabua, Camarines Sur noong Hulyo 1, 2022.
Ayon kay Congressman Jil:
Ang tunay na sukatan ng pinag-aralan ay kung papaano tayo nagiging mabuti at kapakipakinabang na bahagi ng ating lipunan. Tayo ang mga hinihintay na pagbabago ng ating bansa. Tayo ang inaasahang pag-asa ng ating bayan. Tayo ang mga bagong sibol ng lahing Bicolano – isang lahing matatag, matapang, matalino, at makabayan.