Patuloy si Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon noong ika-5 ng Hunyo 2022.
Namahagi si Rep. Zaldy Co ng daan-daang galon ng malinis at maiinom na tubig sa tatlong barangay sa Juban, Sorsogon (Brgy. Bacolod, Sangkayon, Buraburan at Catanusan). Kasabay ng maiinom na tubig ay patuloy pa rin ang pamamahagi ng mga facemasks.
Nagpapasalamat ang Ako Bicol sa Rotary Club of Legazpi Central at Sunwest Care Foundation sa pakikipagtulungan at pagkakaroon ng iisang layunin na magbahagi at mag-abot ng tulong sa ating mga kababayang apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan.