Labis ang galak ng mga scholars ng Ako Bicol at TESDA na nagtapos sa kursong Dressmaking NC II. Ginanap ang simpleng seremonya sa Barangay San Vicente, Bato, Camarines Sur, noong Marso 4, 2022.
Personal na dumalo sa pagtatapos si Ako Bicol 2nd nominee Atty. Raul Angelo Bongalon.
Ang mga scholars ay nagsanay sa Dressmaking sa loob ng 35 araw sa ilalim ng programang Training for Work Scholarship ng TESDA.
Patuloy ang Ako Bicol sa pagbibigay tulong sa mga kababayang Bicolano na nais magkaroon ng maayos na hanapbuhay sa hinaharap.