Tubig ay Buhay! Binisita ng Ako Bicol Party-list ang lalawigan ng Catanduanes upang makita ang itinayong jetmatic pump – Water System Level 1 sa barangay Antipolo del Sur at Igang sa Virac, Catanduanes noong Pebrero 22, 2022.
Ang water system ay pangunahing proyekto ng Ako Bicol Party-list at personal na inisyatibo ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co. Nais niyang magkaroon ang ating mga kababayan ng malinis at maayos na mapagkukunan ng tubig. Kasama sa bumisita si Atty. Raul Angelo Bongalon, ang pangalawang nominee ng Ako Bicol Party-list.
Tuluy-tuloy ang Ako Bicol sa pagbibigay tulong sa ating mga kababayan.