Binisita ng Ako Bicol Party-list second nominee na si Atty. Raul Angelo Bongalon ang mga scholars ng Ako Bicol – TESDA sa Pajo, San Isidro, Virac, Catanduanes noong Pebrero 23, 2022.
Ang mga scholars ay kasalukuyang nagsasanay sa kursong Heavy Equipment Wheel Loader/Pay Loader NCII. Ang training ay naglalayong ihanda sila sa pagtatrabaho sa loob o labas man ng bansa.
Ang Ako Bicol at TESDA ay matagal nang magkatuwang sa mga programang nagbabahagi ng bagong kaalaman sa mga scholars upang sila’y magkaroon ng magandang hanapbuhay sa hinaharap.