Nagtapos ang mga scholars ng Ako Bicol – TESDA sa iba’t-ibang kursong maaari nilang magamit sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
Kabilang sa mga kursong pinag-aralan ang Cookery NC II, Barangay Health Services NC II at Bread and Pastry Production NC II sa ilalim ng programang Tulong Trabaho Scholarship Program (TTSP); at Bread and Pastry Production NC II at Computer System Servicing NC II naman sa ilalim ng programang Training for Work Scholarship Program (TWSP).
Ginanap ang seremonya sa Osmeña Colleges, Masbate City noong ika – 15 ng Pebrero, 2022.
Sumailalim ang mga scholars sa masusing pagsasanay upang mahasa ang kaalaman at madagdagan ang kanilang karanasan na susi para magtagumpay sila sa larangang kanilang tatahakin sa mga susunod na taon.