Pinasinayaan ngayong araw, Pebrero 4, 2022, ang Tanghalang Gogon High School sa Gogon, Legazpi City. Ang naturang proyekto ay inisyatibo nina Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co at Congressman Alfredo A. Garbin, Jr. .
Dumalo sa blessing at inauguration ang mga kinatawan ng Ako Bicol Party-list, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways at teaching and non-teaching staff ng Gogon High School.
Ang bagong pasilidad ay maaaring gamitin sa mga pagtitipon ng paaralan at maging pansamantalang evacuation center sa panahon ng kalamidad.
Bahagi ang proyektong ito ng “Tabang Sa Edukasyon” ng Ako Bicol Party-list.