Pagpasok ng 2022, agad nagsagawa ang Ako Bicol Party-list at Department of Labor and Employment (DOLE) ng orientation para sa mga beneficiaries ng Tulong sa Panghanapbuhay sa mga Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Ginanap ang naturang orientation sa bayan ng Sta. Magdalena, Sorsogon, noong Enero 14, 2022.
Ang aktibidad ay bahagi ng programang “Tabang Sa Kabuhayan”, ng Ako Bicol na naglalayong matulungan ang ating mga kababayang Bicolano na magkaroon ng pagkakakitaan.
Kahit sa gitna ng pandemya, laging handang tumulong ang Ako Bicol sa mga kababayang Bicolano na lubos na nangangailangan.