Kasama ang team ni Senator Risa Hontiveros, sinadya ng Ako Bicol Party-list ang Barangay Calongay, Pilar, Sorsogon upang ilunsad ang Healthy Pinas – Medical Mission kahapon, December 29, 2021.
Isa ang Barangay Calongay sa mga mapalad na nabigyan ng libreng konsultasyon sa doktor, libreng gamot at laboratory tests tulad ng ECG, Xray at ultrasound.
Maraming salamat po Senator Risa Hontiveros sa hatid na tulong ng inyong Healthy Pinas Medical Mission sa ating mga kababayan sa Pilar, Sorsogon.