Nakatakdang ipamahagi ang naturang bigas sa mga pamilyang nasalanta ni Bagyong Odette. Ang donasyon ay malugod na tinanggap ni Maasin City Mayor Nikko Mercado. Itinuturing ng Ako Bicol ang Southern Leyte bilang “kapitbahay” kaya’t agad itong nagpadala ng pagkain sa mga tinamaan ng kalamidad.
Matatandaang noong 2013, ang Ako Bicol Party-list, sa pangunguna ni Rep. Zaldy Co, ay isa sa mga unang dumating at tumulong nang hagupitin ng Bagyong Yolanda ang Tacloban at Leyte. Nagpadala ang Ako Bicol ng 20 dump trucks, boom truck at fuel tanker, kasama ang 19 na electricians, mechanics at mga cooks upang tulungang makabangon ang mga lalawigang napinsala.
Ang programang “Tabang Sa Kalamidad” ng Ako Bicol Party-list ay aktibo at laging handa sa panahon ng kalamidad upang tulungan hindi lang mga Bicolano kundi maging ang iba pa nating kababayan.