Binisita ng mga kinatawan ng Ako Bicol Party-list ang 24 na scholars ng Ako Bicol – TESDA, ngayong Nobyembre 17, 2021 sa Barangay Banacud, Magallanes, Sorsogon.
Ang mga scholars ay kasalukuyang nagsasanay sa kursong Dressmaking NCII. Ang training ay naglalayong ihanda sila sa pagtatrabaho sa loob at labas ng bansa. Umaasa ang Ako Bicol na magagamit nila ang bagong kaalaman upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay.
Katuwang ng Ako Bicol ang TESDA sa mga programang nagbabahagi ng kaalaman na siyang magbibigay pag-asa sa ating mga kababayang Bicolano.