Sumailalim sa Employment Opportunity Orientation ang dalawampung (20) Ako Bicol-TESDA scholars na nagtapos ng kanilang Special Training For Employment Program (STEP) Dressmaking NC II.
Ginanap ang programa sa Centex Function Hall, San Francisco Institute of Science and Technology, San Francisco, Malilipot, Albay, noong ika-9 ng Nobyembre, 2021.
Ang oryentasyon ay ginanap upang hikayatin ang mga nagsipagtapos na magtrabaho sa ilalim ng Department of Labor and Employment-Government Internship Program (GIP).
Hangad ng Ako Bicol na magkaroon sila ng pagkakataong makapagtrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan at maging sa pribadong sektor.