Labing-siyam (19) na scholars mula Camarines Norte ang nakatanggap ng toolkits mula sa Ako Bicol-TESDA matapos ang kanilang pagsasanay sa kursong Electronics Product Assembly Servicing (EPAS) NCI. Isinagawa ang Toolkit Distribution sa Provincial Training Center, TESDA, Labo, Camarines Norte noong Nobyembre 11, 2021.

Kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi sa mga nagsipagtapos ang mga sumusunod: VOM (Multi-tester) analog, Soldering Iron Set, Long Nose Pliers, Diagonal Cutting Pliers, Screw Driver Set at Desoldering Pump/Soldering Sucker.
Pinangunahan ang distribusyon ng Ako Bicol Party-list kasama sina TESDA Provincial Scholarship Coordinator Mr. Mar Agpalo, Ms. Queenie Enriquez (New Provincial Incharge) at TVI Partner Ms. Francis Melchor.

Layon ng pagsasanay na ihanda ang mga scholars sa pagtatrabaho sa loob o labas ng bansa. Makakatulong ito nang malaki sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Ang Ako Bicol at TESDA ay magkatuwang sa pagtulong sa mga Bicolano upang magkaroon ng maganda at maayos na habapbuhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s