Labing-isang (11) scholars mula sa Masbate City ang magsasanay sa kursong Computer Systems Servicing NC II sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program ng TESDA at Ako Bicol Party-list.
Ginaganap ang virtual training induction program sa pamamagitan ng Zoom noong, Nobyembre 5, 2021, sa Computer Laboratory Room ng Osmeña Colleges, Masbate City.
Layunin ng programang ito ng Ako Bicol at TESDA na bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayang Bicolano na nais magpatuloy ng kanilang pag-aaral upang makahanap ng maayos na hanapbuhay sa hinaharap.