Nagsimula ngayong araw, Nobyembre 3, 2021, ang Ako Bicol-TESDA Dressmaking NC II para sa 24 na bagong scholars sa Banacud, Magallanes, Sorsogon.
Ang mga scholars ay sumailalim sa masusing pagsasanay upang sila’y maihanda at mabigyan ng pagkakataong makapaghanap ng angkop na trabaho.
Patuloy ang Ako Bicol at TESDA sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kababayan lalo na sa mga Bicolanong nais maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.