Day 3:

Sabay-sabay na isinagawa sa bayan ng Malilipot, Albay, noong, Oktubre 21, 2021 ang pamamahagi ng dagdag suporta sa mga apektadong pamilya ng nakaraang bagyong “Rolly”.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente doon, gumawa ng inisyatibo ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go upang mailapit ang mga programa ng gobyerno sa mga mahal niyang mga Bikolano.

Nagkaroon ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Payout para sa 930 benepisyaryo. Ang grupo naman ni Senator Go ay namahagi ng facemasks, faceshields, bitamina, at iba pang tulong sa mga residente.

Ilan sa mga benepisyaryo ay nakatanggap din ng bisikleta, sapatos at computer tablets na maaari nilang magamit sa kanilang pag-aaral at transportasyon mula sa tanggapan ni Senator Go.

Bilang ambag, ang Ako Bicol Party-list ay tumulong sa pagsasaayos ng distribution at pag-aaruga sa mga iba pang nangangailangan ng suporta.

Patuloy ang Ako Bicol at si Senator Bong Go sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayan nating Bicolano.

Maraming salamat po Senator Bong Go!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s