Apatnapung scholars (40) mula Camarines Sur ang nakatanggap ng toolkits mula sa Ako Bicol-TESDA matapos ang kanilang pagsasanay sa iba’t-ibang courses.
Labinglima (15) sa kanila ang sumailalim sa kursong Dressmaking, samantalang 25 naman ang nagsanay sa Automotive 1.
Isinagawa ang Toolkit Distribution sa PSO Hall, City Hall Compound, Naga City, noong Setyembre 17, 2021.
Pinangunahan ang distribusyon ng Ako Bicol Party-list kasama sina Provincial Director Mariglo Macabuhay Sese, Glenda B. Caguco (TESDA Specialist Scholarship Focal) at Jun Mongoso (Metro PESO Head/ School Administrator of City College of Naga).
Layunin ng pagsasanay na ihanda ang mga scholars sa pagtatrabaho sa loob o labas ng bansa na maaaring makakatulong sa kanilang pag-angat sa buhay.
Katuwang ng Ako Bicol ang TESDA sa pagtulong sa mga benepisyaryo na magkaroon ng maganda at marangal na hanapbuhay para sa hinaharap.