Ang Tubig ay Buhay!
Pinasinayaan ngayon, Setyembre 14, 2021, ang apat na Water Supply System Level II sa ilang barangay sa Munisipalidad ng Daraga sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Elizaldy S. Co.
Unang pinasinayaan ng Ako Bicol ang Water System sa barangay Tabon-Tabon, Daraga, Albay.
Malaking tulong ito sa naturang barangay dahil hindi na mahihirapan ang mga residenteng umigib ng malinis na tubig.
Nagbigay ng mensahe si Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co sa mga residente ng barangay ukol sa kahalagahan ng tubig at kung bakit dapat itong pangalagaan.
Nakibahagi sa inagurasyon ang Barangay Council ng Tabon-Tabon, kasama si Brgy. Captain, Christopher Andes at DPWH Engr. Leonardo Gonzales.
Katuwang ng Ako Bicol sa proyektong ito si Senator Sonny Angara.
Ang pagtatayo ng Water System ay isa sa mga pangunahing adbokasiya at prayoridad ng Ako Bicol Party-list na naglalayong makatulong sa libu-libong Bicolano.