Ang Tubig ay Buhay!
Pinasinayaan ngayon, Setyembre 9, 2021, ang tatlong Water Supply System Level II sa ilang barangay sa lungsod ng Legazpi sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Alfredo A. Garbin, Jr.. Unang pinasinayaan ng Ako Bicol ang Water System sa barangay Cagbacong, Legazpi City.
Malaking tulong ito sa naturang barangay dahil hindi na mahihirapan ang mga residenteng umigib ng malinis na tubig. Nakibahagi rin sa inagurasyon ang Barangay Council ng Cagbacong kasama si brgy. Captain Genaro Asilo, Ms. Donna Co bilang representante ni Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co, Mr. Justine Jay Bolaños at Engr. Leonardo Gonzales.
Ang pagtatayo ng Water System ay isa sa mga pangunahing adbokasiya at prayoridad ng Ako Bicol PartyList na naglalayong makatulong sa libu-libong Bicolano.