Ang Tubig ay Buhay!
Pinasinayaan ngayon, Setyembre 15, 2021, ang Water Supply System Level II sa ilang barangay sa Munisipalidad ng Camalig sa pangunguna ng Ako Bicol PartyList.
Pinasinayaan ng Ako Bicol ang Water System sa barangay Bariw, Camalig, Albay.
Malaking tulong ito sa naturang barangay dahil hindi na mahihirapan ang mga residenteng umigib ng malinis na tubig.
Nagbigay ng mensahe si Ako Bicol Congressman Zaldy S. Co sa mga residente ng barangay ukol sa kahalagahan ng tubig at kung bakit dapat itong pangalagaan.
Nakibahagi sa inagurasyon ang Barangay Council ng Bariw, teaching and non-teaching staff ng Bariw High School at ilang myembro ng DPWH.
Ang pagtatayo ng Water System ay isa sa mga pangunahing adbokasiya at prayoridad ng Ako Bicol Party-list na naglalayong makatulong sa libu-libong Bicolano.