Nakibahagi ang Ako Bicol PartyList sa Groundbreaking Ceremony ng Albay Shelter Assistance Project ng Philippine Red Cross (PRC) para sa mga pamilyang naging biktima ng Super Typhoon Rolly noong 2020.
Ang Groundbreaking Ceremony ay ginanap sa Bubulusan Relocation Site, Guinobatan, Albay noong Agosto 20, 2021. Ayon kay PRC Chairman Senator Richard “Dick” Gordon, 167 na bahay ang ipapagawa ng PRC para sa 167 pamilyang benepisyaryo. Bukas din ang ahensyang tumanggap ng donasyon para sa mga nais pang magpaabot ng tulong sa ating mga kababayan.
Sumuporta din sa nasabing proyekto sina Governor Al Francis Bichara, Vice Governor Edcel Grex Lagman, Board Member Vic Ziga, Jr., Provincial Engineer Dante Baclao, Guinobatan Mayor Gemma Ongjoco, Red Cross Chapter Administrator Legazpi Rose Rivera at si Melinda Ebio ng Ako Bicol na kumatawan kay Congressman Zaldy S. Co.
Kasama rin sa nasabing programa ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Albay at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Guinobatan.
Sa pangunguna ni Congressman Co, lubos na nagpapasalamat ang Ako Bicol kay Senator Gordon at sa Philippine Red Cross sa imbitasyong makibahagi sa makasaysayang seremonya.