Namahagi ng tulong sa 350 Internally Displaced Persons (IDL) ang tanggapan ni Senator Bong Go katuwang ang Ako Bicol PartyList sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ilan din sa mga benepisyaryo ang nakatanggap ng bisikleta mula kay Senator Go.
Bilang ambag, tumulong ang Ako Bicol-DOLE GIP Interns sa pamamahagi ng facemasks, faceshields, bitamina at mga food packs sa ating mga kababayan. Ito’y upang tiyakin ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols ng pamahalaan.
Isinabay ang SLP program sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC), Catanduanes. Layunin nitong mapadali ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng ating mga kababayan.
Maraming salamat po Senator Bong Go sa inyong walang sawang suporta sa mga Bicolano!