Ipinamahagi na ang limampung sets ng starter tool kits sa mga scholars ng Ako Bicol at TESDA matapos nilang kumpletuhin ang Special Training for Employment Program (STEP).
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Malilipot National High School Covered Court, Malilipot, Albay, ngayong araw, Hulyo 30, 2021.
Dalawampu’t-limang (25) scholars ang nagtapos sa kursong Products and Service Industrial Electronic Module at Product Service Consumer, samantalang 25 naman ang nagsanay sa Dressmaking NCII.
Dahil sa kanilang masusing pagsasanay, may pagkakataon nang ipamalas ng nga scholars ang kanilang kakayahan lalo na sa mga nais magtrabaho sa loob o labas ng bansa.
Katuwang ng Ako Bicol PartyList ang TESDA sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga Bicolanong nais magpatuloy at magtapos ng kanilang pag-aaral.