Kasabay ng pagtatapos ng 24 na Ako Bicol scholars sa kursong Processed Food by Salting, Curing and Smoking, pinamahagi na sa kanila ang mga starter toolkits na gagamitin nila sa kanilang hanapbuhay.
Ginanap ang graduation ceremony sa bayan ng Cawayan, Masbate kahapon, Hulyo 29, 2021. Ang pagtatapos ay pinangunahan nina Masbate Provincial Director John D. Simborios, Bienvenido Arizala, Jr. ng Masbate Institute of Fisheries and Tchnology, Fel Monares (Executive Assistant), Jestoni Mendevil (MSWDO), Mary Ann Radones (Kalipi Focal Person) at Hon. Erna Noynay.
Ang pagsasanay ay naglalayong ihanda ang mga scholars na makahanap at magkaroon ng disenteng hanapbuhay sa hinaharap. Patuloy ang Ako Bicol at TESDA sa pagbabahagi ng programang makakatulong sa mga nangangailangan.