Labo, Camarines Norte ang huling lugar sa Bicol Region na binisita ng Healthy Pinas Mobile Health Clinic ni Senator Risa Hontiveros katuwang ang Ako Bicol PartyList.
Sa loob nang nagdaang labing-isang araw, umikot sa Bicol Region ang naturang mobile health clinic upang maghandog ng libreng serbisyong medikal sa ating mga kababayang Bicolano.
Sa bayan ng Labo, mahigit 200 pasyente ang kumonsulta sa mga doktor at nabigyan ng libreng gamot at maging libreng laboratory tests.
Muli, taos-pusong nagpapasalamat ang Ako Bicol PartyList kay Senator Hontiveros dahil sa ibinigay niyang pagkakataon na makarating ang Mobile Clinic sa ating rehiyon upang matulungan ang mga kababayan nating Bicolano. Salamat din sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.