Nilagdaan nina Senator Risa Hontiveros at Ako Bicol Congressman Zaldy Co ang “Covenant to Assist Displaced Workers” upang tulungang makaahon sa hirap ang mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay.
Ayon sa kasunduan, maglalaan ng pondo sina Senator Hontiveros at Congressman Co upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Ito’y sa pamamagitan ng programang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.
#AkoBicolPartyList
#KatabangnaKasurogpa